Tiktok kontra stress para sa mga guro

Ni Fernan Angeles

BINANGONAN, Rizal — Sa gitna ng matinding hamon kung paano epektibong maituturo ang mga aralin sa kanilang mga mag-aaral gamit ang blended learning system ng Department of Education (DepEd), minarapat ng lokal na pamahalaan na maglunsad ng isang gimik sa paghahangad na ibsan ang pagka-aburido ng mga guro ng mga pampublikong paaralan.

Sa paglulunsad ng Tiktok Challenge sa mga guro, kinikilalang lokal na pamahalaan ang pagsisikap ng kanilang mga guro na abutin maging ang kasuluk-sulukan ng kanilang bayan upang alamin ang kundisyon ng kanilang mag-aaral, kasabay ng pagtiyak na ang mga ito’y madudulutan ng karampatang pamamaraang angkop sa ilalim ng blended learning system sa pagbubukas ng klase sa susunod na buwan.

“Ang ating mga guro ay sumusuong sa panganib ng pandemya maging sa pinakasulok na bahagi ng ating bayan na ang tanging baon ay ang masidhing paghahangad na mabigyan pa din ng tamang kaalaman an gating mga mag-aaral. Madalas pa nga, kailangan nilang bumunot pa sa sariling bulsa sa pagtupad ng naka-atang na tungkulin,” saad ng mensahe ni municipal administrator Russel Callanta Ynares. Ayon pa kay Ynares, ang nasabing online contest ay sadyang binuo upang pawiin ang pagod at stress ng mga guro.

Bahagi rin ng nasabing patimpalak ay ang mga magulang at mag-aaral na siyang pupulso sa husay ng mga guro sa pagti-tiktok.

Katuwang ang pribadong sektor, naglaan ng mga gantimpala ang lokal na pamahalaan sa video upload ng mga gurong makakalikom ng pinakamaraming “shares” at “reactions” sa social media.

Kabilang sa mga pinaglaanan ng gamtinpalang cash and gift certificates ang Most Reacted Video, Most Viewed Video, Most Shared Video.

Mayroon din Special Choice Award, Sponsors Choice Award, LGU Choice Award at Binangonan Action Center Admins Choice Award.

Ang mga mananalong entries ay ia-anunsiyo sa FB Live Session ng DepEd Tayo Blue Rizal Bida ONE Binangonan sa Oktubre 5.

Leave a Comment

Your email address will not be published.

ABOUT US

Welcome to Metro Sun, an online news website where stories inspire community engagement and digitally fuelled actions for economic change in the Philippines or any associated countries based on current events.

AFFILIATE DISCLOSURE

Some links on this page are affiliate links in which we earn a commission from sales of items we recommend at no extra cost to you. And as an Amazon Associate, we also earn from qualifying purchases linking to any of their websites. Please read our Disclaimer linked below.

Scroll to Top