Taytay LGU wagi sa pandemic response

Ni Crema Limpin

TAYTAY, Rizal — Dinaig ng Garments Capital of the Philippines ang 1,497 pang munisipalidad sa pagpapatupad ng pandemic response, batay sa resultang inilabas ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Sa pinag-isang kalatas na inilabas ng DILG, Department of Information and Communications Technology (DICT) at National ICT Confederation of the Philippines (NICP), iginawad sa nasabing munisipalidad ang parangal bilang “Best on COVID-19 Pandemic Response” batay sa inilatag na panuntunan kaugnay ng mga programang isinagawa sa gitna ng national health emergency.

Kinilala ang Taytay sa epektibong paggamit ng digital apps na nagbigay daan para mabilis na matukoy ng pamahalaang lokal ang mga bagong kaso ng mga positibo at agarang pagbibigay lunas. Sinuri din ng mga nasabing ahensya ang lawak ng naabot ng programang libreng bakuna kontra COVID-19 gamit ang Taytay Trail app at Vax app.

Sa isang Facebook post, pinasalamatan naman ni Taytay Mayor Joric Gacula ang DILG, DICT at NICP para sa pagkilala sa kanilang pagsisikap na tumugon sa mga panahong higit na kailangan ang gawa kaysa dada.

“Maraming Salamat DILG, DICT at NICP sa iginawad na parangal sa aming bayan. Gagamitin naming itong inspirasyon para lalo pang pagbutihin ang mandatong ipinagkatiwala ng aming mga nasasakupan,” ani Gacula sa kanyang FB post.

Samantala, nahagip naman ng Taytay LGU ang ikalawang pwesto sa kategorya ng “Business Empowerment” kaugnay ng Taytay Market Collection System. “Congratulations po sa lahat ng ng Taytayeño na tumulong , naniwala at sumuporta para makuha natin ang karangalan na ito.”

Leave a Comment

Your email address will not be published.

ABOUT US

Welcome to Metro Sun, an online news website where stories inspire community engagement and digitally fuelled actions for economic change in the Philippines or any associated countries based on current events.

AFFILIATE DISCLOSURE

Some links on this page are affiliate links in which we earn a commission from sales of items we recommend at no extra cost to you. And as an Amazon Associate, we also earn from qualifying purchases linking to any of their websites. Please read our Disclaimer linked below.

Scroll to Top