Ni Cyrill Quilo
Hindi pa maaaring ibaba ang alert level 2 status ng Bulkang Taal sa lalawigan sa Batangas.
Ayon kay Resident Volcanologist Paulo Reneva ng Taal Volcanology Observatory, nanatiling abnormal ang aktibidad ng bulkan sa kabila ng pananahimik nito mula pa noong Mayo 20.
Aniya, may paggalaw pa rin ng magma sa loob ng bulkan at mataas pa ang gases na taglay nito.
Sa huling bulletin inilabas ng Phivolcs ngayong umaga wala itong naitalang volcanic earthquake sa nakalipas na 24-oras pero may naitatala pa ring low-level background tremor.