Sasakyan ng 6 dinukot sa Batangas inabandona sa Laguna

Sasakyan ng 6 dinukot sa Batangas inabandona sa Laguna

Ni Cyrill Quilo

LAGUNA -Natagpuan na ang sasakyang ginamit ng anim na kalalakihan na dinukot noong October 29 sa Batangas .

Inabandona ng mga suspek ang sports utility vehicle (SUV) kabilang ang mahahalagang gamit tulad ng cellphone at bag sa isang liblib na lugar sa Barangay Bunggo sa Calamba, Laguna noong Sabado ng gabi.

Ayon kay Chief of Police Capt. Errol Frejas ng Laurel, Batangas, patuloy ang imbestigasyon sa insidente ng pagdukot sa anim katao na tinitingnang motibo ay may koneksyon umano sa illegal na droga.

Dagdag pa nito, isa sa mga nakidnap ay nahuli dahil sa kasong ilegal na droga na noong Nobyembre 2020.

Ngunit na-turnover lamang ito sa DSWD dahil sa ito ay 17-anyos pa lamang noon. Matatandaan, naligo sa isang beach resort ang mga biktima at habang pauwi na sa kanilang bahay sa Dasmarinas, Cavite noong Biyernes ay hinarang ng apat na sasakyan ang SUV ng mga biktima.

Leave a Comment

Your email address will not be published.

ABOUT US

Welcome to Metro Sun, an online news website where stories inspire community engagement and digitally fuelled actions for economic change in the Philippines or any associated countries based on current events.

AFFILIATE DISCLOSURE

Some links on this page are affiliate links in which we earn a commission from sales of items we recommend at no extra cost to you. And as an Amazon Associate, we also earn from qualifying purchases linking to any of their websites. Please read our Disclaimer linked below.

Scroll to Top