Rep. Romero, pangakong cash incentives sa Olympic medalists agad binigay

Rep. Romero, pangakong cash incentives sa Olympic medalists agad binigay

Hindi puro pangako. Pinagunahan ni 1Pacman Party-list Rep. Mikee Romero ang pagbibigay ng cash incentives sa mga atletang nakasungkit ng medalya sa Tokyo Olympics.

NABALOT ng tuwa ang mga atletang matagumpay na nakasungkit sa Tokyo 2022 Olympics ng medalya dahil mabilis na pagtupad ni House Deputy Speaker at 1PACMAN Party-list Rep. Mikee Romero sa kanyang pangako ngayong araw, Agosto 21.

Matamis ang nasilayan na ngiti kina Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Eumir Marcial habang tinatanggap ang dagdag na cash incentives mula kay Rep. Romero.

“Nararapat lang na agad nila makuha ang ating pinangako. Isang kabayanihan at malaking karangalan ang kanilang ibinigay sa ating bansa,” pahayag ni Romero.

Sa isang inihandang seremonya na pinangalanang “Bagsik Ng Kamao,” tinupad ni Romero ang kanyang pledge na tig-P2 milyon kay Petecio and Paalam na nakasungkit ng silver medals at P1 milyon naman kay bronze winner Marcial.

“They proved once again na kaya talaga ng mga Pinoy na makipagsabayan sa buong mundo pagdating sa boxing. Iba ang bagsik ng mga kamao ng Pinoy!” dagdag ni Romero.

Noong nakaraang Linggo, ibinigay din ni Romero P5 milyon na pangako nito kay gold medalist Hidilyn Diaz.

Leave a Comment

Your email address will not be published.

ABOUT US

Welcome to Metro Sun, an online news website where stories inspire community engagement and digitally fuelled actions for economic change in the Philippines or any associated countries based on current events.

AFFILIATE DISCLOSURE

Some links on this page are affiliate links in which we earn a commission from sales of items we recommend at no extra cost to you. And as an Amazon Associate, we also earn from qualifying purchases linking to any of their websites. Please read our Disclaimer linked below.

Scroll to Top