Rep. Chipeco magreretiro na sa pulitika

Rep. Chipeco magreretiro na sa pulitika

Calamba City Mayor Timmy Chipeco (itaas,kaliwa), Councilor Joey Chipeco na tatakbong mayor ng lungsod. (itaas, kanan) at pamilya Chipeco. 

Ni Cyrill Quilo

NAGDESISYON nang magretiro sa posisyon si Laguna 2nd district Rep. Joaquin Chipeco Jr, isa sa pinakamatagal na nanungkulan sa lungsod ng Calamba.

Nakatakda namang humalili sa kanyang posisyon si Calamba City Mayor Timmy Chipeco na una nang naghain ng kandidatura para congressman sa distritong lilisanin ng kanyang ama.

Tatakbo naman bilang mayor ang number one councilor ng Calamba na si Joey Chipeco.

Sa datos mula sa Kamara, lumalabas na makailang ulit na naging kongresista ang matandang Chipeco – 1987-1992, 1995-2004 at mula 2013 hanggang sa kanyang pagreretiro. Nahalal din siyang alkalde ng lungsod mula 2004 hanggang 2013.

Leave a Comment

Your email address will not be published.

ABOUT US

Welcome to Metro Sun, an online news website where stories inspire community engagement and digitally fuelled actions for economic change in the Philippines or any associated countries based on current events.

AFFILIATE DISCLOSURE

Some links on this page are affiliate links in which we earn a commission from sales of items we recommend at no extra cost to you. And as an Amazon Associate, we also earn from qualifying purchases linking to any of their websites. Please read our Disclaimer linked below.

Scroll to Top