Pinoy nurse sa London patay habang naka-quarantine

Pinoy nurse sa London patay habang naka-quarantine

NAMATAY ang isang Filipino nurse sa London habang naka-self quarantine dahil sa sintomas ng Covid-19.

Sinabi ng mga kasamahan ng biktima na noong Marso pa nila huling nakakausap sa pamamagitan ng chat ngunit pagdating ng Abril ay hindi na umano ito sumasagot sa mga chat nila.

Nitong Marso 24, nakapag-post pa sa Facebook ang 51-anyos na si Donald “Dondee” Zuelto na mayroon siyang pasyente na may lagnat, ubo at ilan pang sintomas ng COVID-19 sa Barts Health National Health Service (NHS) Trust sa London.

Nag-quarantine si Zuelto sa kanyang flat, kung saan siya mag-isang nakatira. Nasa isang linggong may constant communication ang nurse sa kanyang mga kaibigan, pero naputol anila ito noong Abril 5.

Nag-alala ang mga kaibigan at kaanak sa Scotland ni Zuelto kaya iniulat nila ito sa mga awtoridad. Kinailangan pang maideklarang nawawala ang nurse bago napasok ng mga awtoridad ang kaniyang flat nitong Miyerkoles, dahilan para madiskubreng pumanaw na siya.

Sinabi ng London police na nahawa si Zuelto ng pasyente at nag-self isolate dahil sa mild symptoms nang mamatay.

“It’s sad that this has happened,” sabi ng kaibigan niyang si Jimmy Wong, na dati ring nurse. “We have to be really extra careful. It’s a deadly virus.”

Tubong Negros Oriental si Zuelto na siya ring breadwinner ng kaniyang pamilya at tumutulong na mapag-aral ang 3 pamangkin, ayon sa kaniyang mga kaibigan.

Hindi pa malinaw ang plano ng pamilya Zuelto pero nagsimula nang mangalap ng tulong na pinansyal ang kaniyang mga kaibigan sa tulong ng GoFundMe website.

Mayroong nasa 18,000 Pilipinong health worker sa United Kingdom. Pumapangalawa sila sa India pagdating sa may pinakamaraming foreign medical workers doon.

Hanggang nitong Abril 7, nakapagtala na ng 60,733 kaso ng COVID-19 sa UK, kabilang na ang 7,097 pasyenteng nasawi. Kabilang si UK Prime Minister Boris Johnson sa mga tinamaan ng naturang respiratory disease. Nasa intensive care unit pa rin siya nitong Miyerkoles.

 

Leave a Comment

Your email address will not be published.

ABOUT US

Welcome to Metro Sun, an online news website where stories inspire community engagement and digitally fuelled actions for economic change in the Philippines or any associated countries based on current events.

AFFILIATE DISCLOSURE

Some links on this page are affiliate links in which we earn a commission from sales of items we recommend at no extra cost to you. And as an Amazon Associate, we also earn from qualifying purchases linking to any of their websites. Please read our Disclaimer linked below.

Scroll to Top