Ospital sa Calabarzon halos puno na

Ospital sa Calabarzon halos puno na

Ni Cyrill Quilo

SA kabila ng paghihigpit ng pamahalaan sa mga residente, patuloy pa rin ang paglobo ng kaso ng mga tinamaan ng nakamamatay na COVID-19 sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon, batay na rin sa datos na inilabas ng Department of Health Region IV-A.

Sa pahayag, sinabi ng DOH-Calabarzon na halos puno na maging ang kanilang regional government center isolation facility sa Calamba City, dahil sa patuloy na pagdating ng mga pasyenteng positibo sa COVID-19.

Anila, 57 beds na lamang ang inilaan para sa mga nagpositibo sa higit na mabagsik na Delta variant, samantalang 399 bed capacity naman para sa ibang mga pasyenteng tinamaan ng “less vicious COVID-19 strain.” Maging ang Ligtas-COVID Center sa Cabuyao City na may 80-bed capacity ay wala nang pagsidlan ng mga dumaragsang pasyenteng tinamaan din ng virus.

Sa kanilang pagtatala, mayroon pang 20 pasyente ang nakapila sa labas ng nasabing pasilidad. Paliwanag ng DOH regional office, ang dalawang pasilidad nila ay ang karaniwang takbuhan ng mga pasyente mula sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna at Batangas kaya naman hindi nakapagtatakang mabilis na numinipis ang kapasidad ng mga ito.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng DOH-Center for Health Development nitong Agosto 30, mayroong nadagdag na 2,677 bagong kaso ng COVID-19.

Suma total, nakapagtala na ang rehiyon ng kabuuang 257,524 bilang ng mga nahawahan. Nasa 33,406 naman ang aktibong kaso habang 216,536 ang mga gumaling at 7,582 ang nasawi.

Leave a Comment

Your email address will not be published.

ABOUT US

Welcome to Metro Sun, an online news website where stories inspire community engagement and digitally fuelled actions for economic change in the Philippines or any associated countries based on current events.

AFFILIATE DISCLOSURE

Some links on this page are affiliate links in which we earn a commission from sales of items we recommend at no extra cost to you. And as an Amazon Associate, we also earn from qualifying purchases linking to any of their websites. Please read our Disclaimer linked below.

Scroll to Top