OK na: Kontrata ni Dennis Uy lusot sa Comelec

OK na: Kontrata ni Dennis Uy lusot sa Comelec

TULOY na ang paggawad ng Commission on Elections (Comelec) ng kontrata sa kontrobersiyal na si Dennis Uy sa kabila ng agam-agam sa integridad ng kompanya nito para sa 2022 general elections.

Ito ay sa kabila ng urong-sulong na paggagawad ng kontrata para sa pangangasiwa ng isang sensitibong bahagi ng halalan sa kumpanyang pag-aari ni Dennis Uy na mas kilala bilang malapit sa administrasyon.

Sa P536-milyong kontratang nilagdaan nina Comelec Chairman Sheriff Abas at Efren Uy na kumakatawan sa F2 Logistics, ang kumpanyang pag-aari ni Uy ang siyang mangangasiwa sa distribusyon ng mga balota, vote-counting machines consolidation or canvassing system machines, transmission devices, VCM external batteries; generator sets at iba pang election paraphernalia para sa halalang idaraos sa Mayo ng susunod ng taon.

Pinukol naman ng batikos ang nasabing paggagawad ng kontrata sa kumpanya ng isa sa mga negosyanteng nag-ambag ng malaki para sa kandidatura para Pangulo ng noo’y Davao City Vice Mayor Rodrigo Duterte, taong 2016 – bagay na inamin mismo ni Uy sa isa sa mga pagdinig ng Senado.

Kabilang sa mga rehiyong hahawakan ng F2 Logistics ay ang Cordillera Administrative Region, Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa, Bicolandia, ilang rehiyon sa Visayas at Mindanao.

Nanindigan naman ang Comelec sa kanilang pasyang ibigay sa F2 Logistics ang kontrata.

Anila, pinakamababa ang presyong alok ng nasabing kumpanya.

Giit ni Abas at Comelec Commissioner Rowena Guanzon, hindi batayang ang pagiging malapit ni Uy sa administrasyon para ibasura ang kontrata sa nasabing kumpanya.

Leave a Comment

Your email address will not be published.

ABOUT US

Welcome to Metro Sun, an online news website where stories inspire community engagement and digitally fuelled actions for economic change in the Philippines or any associated countries based on current events.

AFFILIATE DISCLOSURE

Some links on this page are affiliate links in which we earn a commission from sales of items we recommend at no extra cost to you. And as an Amazon Associate, we also earn from qualifying purchases linking to any of their websites. Please read our Disclaimer linked below.

Scroll to Top