OFW patay sa riding in tandem sa Calamba City

OFW patay sa riding in tandem sa Calamba City

Ni Cyrill Quilo

PATAY sa pamamaril ang isang 31-anyos na Overseas Filipino Worker nitong Lunes ng hapon makaraang tambangan ng riding in tandem sa Calamba City . Nakilala ng bagong chief of police ng Calamba City na si PLt. Col. Arnel Pagulayan ang biktimang si Ardin Viesca Flores, ng 201 Purok 1,Camp Vicente Lim, Brgy. Mayapa, Calamba City.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, bandang alas 3 ng hapon habang sakay ng pulang Honda Click na motorsiklo na may plate no.387 DLi ang biktima patungong Purok 2 sa kahabaan ng National Highway sa Brgy.Real nang buntutan ng dalawang magkaangkas na hindi nakikilalang suspek at pinagbabaril. Bumulagta ang biktima sa gutter ng kalsada matapos tamaan ng bala sa ulo na siyang agad na ikinamatay habang ang mga suspek naman ay mabilis na nakatakas patungong direksyon ng Brgy.Uno.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa posibleng motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek.

Leave a Comment

Your email address will not be published.

ABOUT US

Welcome to Metro Sun, an online news website where stories inspire community engagement and digitally fuelled actions for economic change in the Philippines or any associated countries based on current events.

AFFILIATE DISCLOSURE

Some links on this page are affiliate links in which we earn a commission from sales of items we recommend at no extra cost to you. And as an Amazon Associate, we also earn from qualifying purchases linking to any of their websites. Please read our Disclaimer linked below.

Scroll to Top