Libreng gamot, para sa matatanda’t PWD — free delivery pa

Ni Fernan Angeles

MAS pinaigting ng lokal na pamahalaan ng baybaying bayan ng Binangonan ang kanilang programang tumutuon sa pagkalinga sa sektor ng senior citizens at persons with disability.

Sa isang pahayag, sinabi ni Municipal Administrator Russel Callanta Ynares na batid nilang mahirap para sa mga senior citizens at PWD ang tumungo sa botika para sa kanilang gamot, lalo pa’t mahigpit na ipinagbabawal ang kanilang paglabas ng tahanan sa mga lokalidad na nasa ilalim ng general community quarantine.

“Sa kalagayan nila, hindi na dapat pang personal na tumungo sa mga botika, kaya naman naisip namin maglaan ng lamang ng pondo para sa mga senior citizens at at PWDs sa aming bayan,” ani Ynares kasabay ng anunsiyong sasagutin na nila ang mga gastusin sa gamut ng mga nasabing sektor ng kanilang lipunan. Dagdag pa niya, sa ilalim ng programang e-Botika, libren na ang maintenance medicines ng mga senior citizens at PWD.

Nagtalaga na din umano ang lokal na pamahalaan ng mga motorcycle riders upang ihatid sa kanilang mga tahanan mga inorder na gamot. “Sa programang e-Botika, babalikatin ng lokal na pamahalaan ang gastusin ng mga nakatatanda at may kapansanan sa kanilang gamot. Di na din nila kailangan pang magtungo sa botika. Kami na mismo magpapahatid ng kanilang mga gamut,” pagtitiyak pa ng administrador.

“Kailangan lang nilang magchat sa kanilang Binangonan Action Center-Volunteer Group upang mabilis naming matugunan ang gamot na kailangan niyo,” paliwanag pa ni Ynares. Katuwang ang chat support team, kinilala din niya ang tulong ng Binangonan Municipal Pharmacy, kunsaan magmumula ang mga maintenance medicines nina lolo at lola.

Bukas ang Binangonan eBotika simula Lunes hanggang Huwebes, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon. Ang libreng hatid ng gamot naman ay mula Martes hanggang Biyernes.

Leave a Comment

Your email address will not be published.

ABOUT US

Welcome to Metro Sun, an online news website where stories inspire community engagement and digitally fuelled actions for economic change in the Philippines or any associated countries based on current events.

AFFILIATE DISCLOSURE

Some links on this page are affiliate links in which we earn a commission from sales of items we recommend at no extra cost to you. And as an Amazon Associate, we also earn from qualifying purchases linking to any of their websites. Please read our Disclaimer linked below.

Scroll to Top