Ni Cyrill Quilo
HUMIHINGI ng tulong sa Department of Health ang Laguna Medical Center dahil sa kakulangan ng nurse sa pagamutan dahil sa nagpositibo sa sakit na Covid-19 ang 25 medical professionals habang ang 25 staff na na expose ay nasa quarantine naman.
Ayon kay Infectious Disease Unit Head Dr. Christina Marquez, hindi pa rin napapalitan ang mga nurse na nangibang bansa na dahil sa wala naming gustong mag-apply.
Sinabi pa ni Marquez, “Full capacity pa rin tayo ngayon kasi po ang ating mga waiting na pasyente ay madami po sa ating pasilidad so kung meron pong madi-discharge, sumakabilang-buhay na pasyente o magne-negative ay agad na meron itong kapalit na naghihintay dito sa ating pasilidad dahil napakadami ngang kaso na nahihirapan huminga o yung iba kahit po yung positive natatanggap na po namin kahit hindi po kami COVID referral center,” alinsunod sa kanilang ipinapatupad na tamang distansiya ang dating nasa 200 bed capacity ang pagamutan, ngayon ay nasa 125 na lamang.
Sa ngayon ay mayroong 101 beds ang available kahit kulang na ng staff napilit pa rin ng ospital na makapagbigay serbisyo sa nanganagilanagang kababayan.
Inaasahang tutugunan ang pangangailangan ng pagamutan ng nurses upang matulungan pa ang mga pasyente ng nasabing ospital.