Laguna Lake dapat nang hukaying para iwas-baha

Laguna Lake dapat nang hukaying para iwas-baha

Ni Cyrill Quilo

ISANG dekada makaraang pagtibayin ng Korte Suprema ang desisyong ibasura ang bilyong dolyar na halagang Laguna de Bay dredging project, nanawagan ang isang alkalde sa lalawigan ng Laguna na ituloy na ang proyekto sa hangaring maibsan ang pagbaha sa kanilang lalawigan, partikular sa lungsod ng Biñan.

Ayon kay Biñan City Mayor Arman Dimaguila, lubhang maliit na ang kapasidad ng lawa kaya naman umaapaw na ito sa tuwing may matinding pagbuhos ng ulan.

Bukod sa Biñan, malaking bahagi ng Laguna ang napaulat na lubog sa baha dulot ng bagyong Jolina.

Ani Dimaguila, sukdulang dusa ang inaabot ng mga residente sa kanilang mga lakeshore barangays dahil inaabot umano ng tatlong buwan bago humupa ang tubig sa mga nasabing lugar na malapit sa mismong Laguna de Bay.

Nito lamang nakaraang Miyerkules, binayo ng walang tigil na buhos ng ulan ang mga lalawigang nakapalibot sa Laguna de Bay – dahilan upang bumaha ang maraming baybaying lokalidad sa nasabing rehiyon.

Kabilang sa mga lubhang naapektuhan ay ang mga lakeshore municipalities.

Sa lungsod ng San Pedro, hanggang dibdib ang naitalang lalim ng pagbaha sa 10 barangay nito.

“Hangga’t hindi dine-dredge ng national government ang Laguna Lake para tumaas ang capacity niya mag-stock ng tubig, lagi ganito ang mangyayari sa Biñan at mga karatig-bayan,” bunton ni alkalde na pagtukoy sa multi-billion dollar dredging project na una nang ibinasura ng noo’y pangulong Noynoy Aquino at kalaunan ay pinagtibay pa ng Korte Suprema.

Gayunpaman, hindi lamang dredging ang nakikitang solusyon ng mga environmental groups.

Anila, mas mainam na solusyon sa pagbaha ay ang pagtatanim ng puno sa mga kinalbong kabundukan sa paligid ng lawa at ang maayos na solid waste disposal system ng bawat lokalidad.

Leave a Comment

Your email address will not be published.

ABOUT US

Welcome to Metro Sun, an online news website where stories inspire community engagement and digitally fuelled actions for economic change in the Philippines or any associated countries based on current events.

AFFILIATE DISCLOSURE

Some links on this page are affiliate links in which we earn a commission from sales of items we recommend at no extra cost to you. And as an Amazon Associate, we also earn from qualifying purchases linking to any of their websites. Please read our Disclaimer linked below.

Scroll to Top