‘Killer’ konsehal arestado sa pagpaslang sa dating mayor ng Los Baños, Laguna

Ni Cyrill Quilo

CAMP Vicente Lim,Calamba City Laguna-Naaresto na ang pumaslang kay dating mayor Cesar Perez, ng Los Baños, Laguna nitong araw ng Martes sa Brgy. Bakakeng, Baguio City.

Hawak na ng Criminal Investigation and Detection Group CIDG-Batangas ang itinuturong suspek na si dating councilor Norvin Tamisin matapos ibaba ang warrant of arrest laban sa kanya.

Hinihimok ng anak ni Perez na si Aldouz na magsalita na at ituro ang mastermind sa pagpatay sa kanyang ama.

Pinuri ni Cabarzon Police Regional Director PBRig Gen. Eliseo DC Cruz ang kanyang mga tauhan dahil sa pagkakaaresto kay Tamisin na kabilang saTop 6 Most Wanted Person ng Batangas PNP.

Matatandaan na si Perez ay binaril sa loob ng munisipyo noong gabi ng Disyembre 3, 2020.

Nasangkot din ang kanyang pangalan sa listahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa illegal drug trade.

Leave a Comment

Your email address will not be published.

ABOUT US

Welcome to Metro Sun, an online news website where stories inspire community engagement and digitally fuelled actions for economic change in the Philippines or any associated countries based on current events.

AFFILIATE DISCLOSURE

Some links on this page are affiliate links in which we earn a commission from sales of items we recommend at no extra cost to you. And as an Amazon Associate, we also earn from qualifying purchases linking to any of their websites. Please read our Disclaimer linked below.

Scroll to Top