Ka Leody sa Comelec: Kontrata kay Uy kanselahin

Ka Leody sa Comelec: Kontrata kay Uy kanselahin

NAIS ni Partido Lakas ng Masa (PLM) presidential aspirant na kanselahin ang kontrata sa pagitan ni Dennis Uy at Comelec matapos maalarma sa pirmahang naganap sa pagitan ng F2 Logistics at ng Comelec.

Nakasaad sa kontrata na ang nasabing kumpanya ang maghahatid sa lahat ng supply na gagamitin ng Comelec sa eleksyong 2022.

Matatandaan na ang F2 Logistics ay pag-aari ni Dennis Uy, malapit na kaibigan at kroni ng Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay De Guzman, dapat lang na magalala ang taumbayan sa posibleng banta nito sa integridad ng buong prosesong elektoral.

“Hindi maaaring balewalain ang mahabang kasaysayan ng personal na ugnayan sa pagitan ni Uy at ng presidente. Nagbigay si Uy hindi bababa sa tatlumpung milyong piso sa kampanya ng presidente noong 2016. At ang mas mahalaga pa, ay yung kasaysayan ng kapalpakan nito sa mga transaksyon nito sa gobyerno,” sabi pa ni De Guzman.

Dagdag pa ni Sonny Melencio, lider ng PLM, “Mandato ng Comelec na siguraduhin na maayos at patas ang susunod na eleksyon. Hindi nakakatulong ang kontratang ito para mapanatag ang ating mga kababayan. Hindi rin dapat maging instrumento ng kronyismo ang isang krusyal ahensya gaya ng Comelec.”

Leave a Comment

Your email address will not be published.

ABOUT US

Welcome to Metro Sun, an online news website where stories inspire community engagement and digitally fuelled actions for economic change in the Philippines or any associated countries based on current events.

AFFILIATE DISCLOSURE

Some links on this page are affiliate links in which we earn a commission from sales of items we recommend at no extra cost to you. And as an Amazon Associate, we also earn from qualifying purchases linking to any of their websites. Please read our Disclaimer linked below.

Scroll to Top