Insentibo para sa bakunado

Insentibo para sa bakunado

TAYTAY, Rizal – Bilang proteksyon sa hanay manggagawa, nagpasa ng isang ordinansa ang Sangguniang Bayan na nagtatakda ng insentibo sa mga bakunado.

Walang kahirap-hirap na naisabatas ng mga miyembro ng konseho ang Resolusyon 390 na nag-aatas sa lahat ng mga negosyante sa bayan ng Taytay na magbigay ng angkop na insentibo sa kanilang mga empleyado para magpabakuna kontra COVID-19.

Ani Mayor Joric Gacula, malaking bentahe kung makikipagtulungan ang mga pribadong establisimyento sa lokal na pamahalaan sa hangaring maging ligtas ang bawat pook ng trabaho, mga empleyado at ang publiko.

Paglilinaw ng alkalde, walang batas para sa pwersahang bakunahan bagama’t mayroon naman aniyang mga paraan para makumbinsi ang lahat na tupdin ang rekomendasyon ng mga eksperto. “Magandang safe lagi ang mga workplace natin dito sa Taytay. Pero hindi dapat pinupwersa ang mga tao. Ang dapat at matiyagang paliwanag at impormasyon sa buting dala ng mga COVID-19, at mas mainam kung sasabayan pa natin ng malawakang impormasyon at insentibo para sa kanila,” ani Gacula.

Bukod sa mga manggagawa, bahagi rin ng nasabing resolusyon ang pagbibigay ng diskwento ng mga establisimyento sa mga ka-transaksyong bakunado.

Bilang tugon sa resolusyon ng kanilang konseho, may ilang mga establisimyento na ang nagtakda ng diskwento sa kanilang mga produkto sa merkado sa pamamagitan ng pagpiprisinta ng vaccination card na inisyu ng local na pamahalaan na siyang nangangasiwa sa pagbabakuna ng mga residente ng nasabing bayan.

Leave a Comment

Your email address will not be published.

ABOUT US

Welcome to Metro Sun, an online news website where stories inspire community engagement and digitally fuelled actions for economic change in the Philippines or any associated countries based on current events.

AFFILIATE DISCLOSURE

Some links on this page are affiliate links in which we earn a commission from sales of items we recommend at no extra cost to you. And as an Amazon Associate, we also earn from qualifying purchases linking to any of their websites. Please read our Disclaimer linked below.

Scroll to Top