HOSPITAL EXPENSES NG COVID-19 PATIENTS SAGOT NG PHILHEALTH

NANGAKO ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na sasagutin nito ang hospital expenses ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients sa bansa, ayon kay PhilHealth chief Ricardo Morales.

“Babayaran ng PhilHealth and lahat ng medical expenses ng mga taong magkakaroon ng COVID-19, especially ‘yung ating mga public health workers. Gusto nating bigyan sila ng confidence saka peace of mind para silay makapagfocus sa trabaho,” ayon kay Ricardo sa “public” briefing ng PTV.

“Wala silang aalalahanin kung sila po ay magkakasakit sasagutin ng PhilHealth lahat ng kanilang medical expenses,” sabi pa nito.

Idinagdag pa nito na nakapaglabas na ng inisyal na P1.6 billion ang Philhealth sa mga ospital para malabanan ang virus.

“This is part of ‘yung P30 billion na kinakasa ng PhilHealth para maka-preposition tayo ng pondo sa mga ospital,” paliwanag pa ng Philhealth chief.

Sinabi pa ni Morales na gagastusan ng Philhealth ang testing ng COVID-19.
Ang lahat din ng gastusin ng pasyeteng under investigation (PUIs) ay sasagutin ng Philhealth.

Ngayong Huwebes ay mayroon nang 636 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Nasa 38 na ang namatay at 26 ang gumaling na.

Leave a Comment

Your email address will not be published.

ABOUT US

Welcome to Metro Sun, an online news website where stories inspire community engagement and digitally fuelled actions for economic change in the Philippines or any associated countries based on current events.

AFFILIATE DISCLOSURE

Some links on this page are affiliate links in which we earn a commission from sales of items we recommend at no extra cost to you. And as an Amazon Associate, we also earn from qualifying purchases linking to any of their websites. Please read our Disclaimer linked below.

Scroll to Top