DepEd hagip din ng fake news

DepEd hagip din ng fake news

Ni Fernan Angeles

LUBOS ang pagkagulat ng Department of Education nang makatanggap ng mga tawag at online inquiries kung paano at saan makukuha ang mga premyong laptops, tablets at android phones na kanilang napalunan sa isang online contest ng kanilang kagawaran sa social media.

Sa isang opisyal na pahayag, sinabi ng DepEd na wala silang inorganisang patimpalak para sa mga free laptops, tablets at android phones para sa napipintong pagbubukas ng klase sa susunod na buwan, kasabay ng babala sa publiko na mag-ingat sa mga kumakalat na pa-contest umano ng naturang kagawaran.

Batay sa advisory ng DepEd na inilabas sa kanilang official Facebook account, tahasang sinmabi ng DepEd na isang malaking fake news, o kaya’y scam ang nasabing patimpalak na ipinangalan pa sa kanilang tanggapan.

Paglilinaw ng DepEd na hindi sila namimigay ng “free Wi-Fi at gadgets” sa pamamagitan ng anumang online giveaway, raffle draw o contest.

Hinikayat ng DepEd ang publiko an i-report sa [email protected], kung sakaling may nalaman silang ganitong scam at pananamantalang may kinalaman sa pagbubukas ng klase ngayong taon.

Para sa mga opisyal na anunsyo at impormasyon, ayon sa DepEd, bisitahin ang official channels ng DepEd tulad:

• DepEd Philippines sa Facebook;
• Twitter: twitter.com/DepEd_PH;
• Instagram: instagram.com/depedphilippines;
• at ang website na www.deped.gov.ph.

Leave a Comment

Your email address will not be published.

ABOUT US

Welcome to Metro Sun, an online news website where stories inspire community engagement and digitally fuelled actions for economic change in the Philippines or any associated countries based on current events.

AFFILIATE DISCLOSURE

Some links on this page are affiliate links in which we earn a commission from sales of items we recommend at no extra cost to you. And as an Amazon Associate, we also earn from qualifying purchases linking to any of their websites. Please read our Disclaimer linked below.

Scroll to Top