Ayaw maulitan, Angono handa na sa pagbaha

Ni John Clifford Lintao

KASADO na taunang pagbaha ang isa sa siyam na baybaying bayan sa gawing silangan ng kalakhang Maynila.

Sa isang pahayag ng Pamahalaang Bayan ng Angono, tapos na anila ang kanilang river rehabilitation ng kanilang ilog na siyang tributary patungo sa Laguna de Bay.

Sa kanilang official Facebook page, sinabi ni Mayor Jeri Mae Calderon na ganap nang binago ng mga imprastraktura ang geographical contour ng kanilang lokalidad — mula sa bahaing bayan sa pagiging flood-free.

Aniya, iwas abala at perwisyo ang hatid ng pagpapalalim at pagpapalapad ng tatlong kilometrong Angono River kasabay ng  concrete river bench na kanilang tinatapos upang magsilbing catchment area ng tubig bahang dadaloy naman deretso sa lawa.

Dagdag pa ng bagitong alkalde, gagawin na nilang regular ang river rehabilitation upang tiyakin hindi na liliit pa ang kapasidad nito nang sa gayon at di na din ito umapaw.

“Itong hukay ilog ay ginagawa po natin at nag-iinvest po talaga tayo diyan mula upland hanggang low land para po sa ganun ay ma-contain o yung carrying capacity ng volume ng tubig na manggaling sa upland, umuulan man o hindi,” paliwanag ni Mayor Calderon.

Gayunpaman, buong pagmamalaki ni Calderon na ang concrete bench (hango sa disenyo ng mga river structures sa Roma) ay di lamang ginawa kontra baha. Ito din aniya ay mayroong river walkway (mula sa bulubunduking barangay pababa sa kabayanan), joggers’ lane at bike strip.

Batay sa dokumentong nakalap, unsng sinimulan ang nasabing proyekto ng dating alkaldeng Gerardo Calderon, na hangad ay gawing pook hanapbuhay ang isang bahagi nito. Hangad aniya ng dating alkalde na isulong ang isang livelihood program para lang sa mga maliliit na negosyante mula sa hanay maralita. Taong 2000 nang maranasan ng Angono ang matinding pagbahang napag-alamang dulot ng matinding siltation ng kanilang ilog.

“Hindi na namin nais pang maulit ang perwisyong naglugmok sa kabuhayan ng marami naming residente,” dagdag pa ng kasalukuyang mayor. Upang lalong tiyakin ang “efficiency” ng river rehabilitation, kasabay nilang ipinatutupad ang ang Zero Basura Program na anila’y isa sa mga elemento iniugnay para maiwasan ang mga baradong kanal na maaari ring maging sanhi ng pagbaha sa bayan. Kaugnay nito, masidhing pakiusap ni Calderon sa mga residente — “Sana naman huwag na magtapon ng mga basura sa Ilog. Magtulong-tulong tayo upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan ng kapaligiran para sa tuloy tuloy na pagsulong at pag-asenso.

Leave a Comment

Your email address will not be published.

ABOUT US

Welcome to Metro Sun, an online news website where stories inspire community engagement and digitally fuelled actions for economic change in the Philippines or any associated countries based on current events.

AFFILIATE DISCLOSURE

Some links on this page are affiliate links in which we earn a commission from sales of items we recommend at no extra cost to you. And as an Amazon Associate, we also earn from qualifying purchases linking to any of their websites. Please read our Disclaimer linked below.

Scroll to Top