CAMP Vicente Lim, Calamba City Laguna — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 120th Police Service Anniversary iginawad ni Philippine National Police Chief Guillermo Eleazar ang parangal bilang ‘Best City Police Station’ sa rehiyon ng Calabarzon, ang Biñan City Police Station na pinamumunuan ni PLtCol. Giovanni S. Martinez nitong Martes, Nobyembre 2 . (Cyrill Quilo)
