2 police trainee sabit sa rape tinanggal ni Eleazar

Ni Cyrill Quilo

AGAD inalis ni Philippine National Police Chief Gen. Guillermo Eleazar ang dalawang trainee na inakusahan ng panggagahasa.

Nakilala ang mga suspek na sina AJ Magsino at Jack Marquez na pawang mga police trainee ng Rodriguez Municipal Police Station.

Base sa imbestigasyon, inanyayahan ni Magsino ang isang babaeng textmate nito sa isang motel at sa hindi inaasahang biglang pagdating ni Marquez sa kanilang silid.

Agad na nagsampa ng reklamo ang babae ng kasong panggagahasa ng dalawa na nahaharap naman sa kasong administratibo at kriminal.

Inatasan ni Eleazar na alisin sa field training program ang dalawang trainee sa Rizal Police Provincial Office at masusing imbestigahan ang kaso.

Aniya, “hindi na natin hahayaan pang mapabilang sa hanay ng PNP ang mga ito. Ngayon pa lang ay dapat putulin na ang anumang pagkakataon ng mga ito na makapasok sa PNP at makapang-abuso pa ng kapangyarihan.”

Isa rin itong patunay na normal ang mabilis na aksyon ng PNP sa pagtugon sa mga reklamo sa kanilang hanay.

Leave a Comment

Your email address will not be published.

ABOUT US

Welcome to Metro Sun, an online news website where stories inspire community engagement and digitally fuelled actions for economic change in the Philippines or any associated countries based on current events.

AFFILIATE DISCLOSURE

Some links on this page are affiliate links in which we earn a commission from sales of items we recommend at no extra cost to you. And as an Amazon Associate, we also earn from qualifying purchases linking to any of their websites. Please read our Disclaimer linked below.

Scroll to Top