2 Delta variant naitala sa Calamba City

2 Delta variant naitala sa Calamba City

Ni Cyrill Quilo

DALAWANG Delta variant ang naitala sa Calamba City, kasama sa 12 bagong kaso na naitala, ayon sa Department of Health.

Nakapagtala ng tatlo sa Metro Manila, 6 sa Central Luzon, 2 sa Calabarzon at 1 sa Bicol.

Sa Calabarzon, 2 kaso ng Delta variant ang nagmula sa lungsod ng Calamba, Laguna.

Kinumpirma ito ni Department Of Health Regional Director Eduardo Janairo mula sa kanyang RESU o Regional Epidemiology Surveilance Unit.

Hindi na nagdagdag pa ng ibang impormasyon si Janairo dahil nais na lamang niya na tutukan ang nasabing kaso.

“Ang importante, we have identification of cases, kaya we have all already point 25 molecular laboratory, all over the region, tayo ang may pinakamarami na molecular laboratory. Actually, we are also accommodating NCR request for the identification of their swab test and then ang ating mga facilities for public and private ay nag-level up especially nagkakaroon na tayo ng mga tent sa public areas ng public hospital wherein nagdadagdag tayo ng ward beds at nagdadagdag tayo ng ICU.”

Sa ngayon ay may 47 Delta variant na ang nakakapasok sa Pilipinas.

Sa huling datos na inilabas ng Laguna Provincial Health Office nitong nakaraang Hulyo 19, nakapagtala ng 51,053 na ang lalawigan ng Laguna, 2,541 ang aktibong kaso, 47,093 ang nakarekober, 1,419 ang mga namatay. Ang lungsod ng Calamba ang nangunguna sa talaan ng may pinaka-maraming kaso ng Covid-19 na may 591 aktibong kaso habang 10,048 na ang mga nagkaroon ng nakamamatay na sakit.

 

Leave a Comment

Your email address will not be published.

ABOUT US

Welcome to Metro Sun, an online news website where stories inspire community engagement and digitally fuelled actions for economic change in the Philippines or any associated countries based on current events.

AFFILIATE DISCLOSURE

Some links on this page are affiliate links in which we earn a commission from sales of items we recommend at no extra cost to you. And as an Amazon Associate, we also earn from qualifying purchases linking to any of their websites. Please read our Disclaimer linked below.

Scroll to Top